Board Of Trustees, Bumisita Sa SAPC

Bumisita ang Board of Trustees ng San Antonio de Padua College para sa isang pagpupulong na ginanap sa Mini Hotel ng nasabing paaralan, Agosto 11.

Ang mga Board of Trustees ay binubuo nina: Dr. Armando B. Figueroa, pangulo; Elisa T. Martinez, pang. pangulo; Allan Frank Cobb; Eden Cobb; Yolanda Ozamis; Jaime Tiongson; at Amelia Angeles, mga miyembro.

Ang pagpupulong ay ukol sa iba’t ibang isyu at mga bagay na dapat bigyang pansin.

Bago magsimula ang pagpupulong ay nagsagawa muna sila ng obserbasyon sa pamamagitan ng paglilibot at masusing pagtingin sa bawat sulok ng paaralan.

Kinahapunan, nagtanghal ang Likhang Sining at Galaw Dance Troupe (LIKSILAW) mula sa elementarya at sekondarya.

Ang pagpupulong ay buwanang ginagawa sa iba’t ibang lugar.

This entry was posted in Ang Pinagpala (Filipino), Events and tagged , , . Bookmark the permalink.