Leadership Camp Permit Course, Isinagawa

Nagsagawa ang San Antonio de Padua College (SAPC) ng Leadership Camp Permit Course (On-test) upang maging ganap na patrol lider ang mga piling Senior Girl Scouts, Hulyo 30-Agosto 1.

Apatnapu’t limang babaeng iskawt ang lumahok sa nasabing camp na pinangunahan nina Ma. Diana Espiritu, Queenie Jel Santos, Audrey Maann Tobias, Precious Aringalan at Renemae Ramirez. Ang mga gawaing nakapaloob sa listahan ay ang gadget making, campfire, pastillas making at scouts own.

Upang maipakita ang galing ng limang patrol lider sa paggawa ng mga gadgets, ito ay hinusgahan nina Bb. Emilia Almazan, Council Executive; Bb. Linda Tanchico, Former Council Executive; Bb. Cheran de Castro, Pila District Coordinator; at Bb. Amorfina Suyosa, Chairman of Membership. Kasama din nila si July Aze Barcenas, Girl Representative (Board Member) na isa rin sa mga miyembro ng isa sa mga patrol.

Pinangalanan itong “Camp Alicia P. Male” upang bigyang pugay ang bagong punongguro ng paaralan na si Prof. Alicia P. Male.

Ang gawaing ito ay nasa ilalim ng pangangasiwa ng Outfit leader na si Iskawter Rhodora R. Mole. Natapos ang gawain bandang ala-una ng hapon.

This entry was posted in Ang Pinagpala (Filipino), Events and tagged , , . Bookmark the permalink.