Litratista At Mga Dyaryo Ng SAPC, Pasok Sa RSPC

Set. 30 – Okt. 2 – Muling nag-uwi ng karangalan mula sa Division Schools Secondary Press Conference (DSSPC) ang mga manunulat ng San Antonio de Padua College (SAPC) nang makapasok si Sarah Mae Alfeche, IV-Charity at ang opisyal na pahayagan ng paaralan na “Ang Pinagpala” at “The Blessed” sa gaganaping Regional School Press Conference (RSPC). Ang DSSPC ay ginanap sa Pedro Guevarra Memorial National High School Annex, Sta. Cruz, Laguna.

Nakamit ni Alfeche ang ika-anim na puwesto sa pagkuha ng litrato samantalang nakuha naman ni Michaela Opinion, IV-Charity ang ika-siyam na puwesto sa pagwawasto ng sipi at paguulo ng balita. Parehas na ika-15 puwesto ang nakuha ng pahayagan sa English at Filipino sa pinakamahusay na paaralang-pampahayagan sa Laguna.

This entry was posted in Ang Pinagpala (Filipino), Events and tagged , , , , , . Bookmark the permalink.