Mga Mag-aaral Namasyal Sa Hardin Ng UP

Namasyal ang mga mag-aaral ng San Antonio de Padua College sa Hardin ng Unibersidad ng Pilipinas, Los Baños, Laguna (UPLB) para sa taunang pagpapakitang-gilas ng magarang pag-sasaayos ng mga hardin noong Oktubre 15.

Nagkaroon ng maikling lektyur si Dra. Corazon F. Azucena, retired Professor of Post-Harvest Horticulture Training Center, UPLB.

Ang pagtalakay ay ayon sa temang “Drying and Crafting of Plant Materials (as a hobby and livelihood opportunity)“. Ipinakita sa naturang talakayan ang mga pamamaraan ng pagtutuyo ng mga dahon at bulaklak at kung
paano ginagawang pangdekorasyon ang mga ito.

Matapos ang nasabing lektyur ay nilibot na ng mga mag-aaral ang hardin. Bago lisanin ang hardin, nagkaroon ng raffle draw na may papremyong mga halaman.

Ang pamamasyal na ito ay naglalayong mapalawak ang kaalaman ng mga mag-aaral sa pag-aaral ng paghahardin. Dinaluhan ang gawain ng mga mag-aaral na nasa una at ikalawang taon sa pangangasiwa ni Gng. Miriam C. Payag, guro ng TLE (Technology and Livelihood Education).

This entry was posted in Ang Pinagpala (Filipino), Events and tagged , . Bookmark the permalink.