SAPC: Idolo Sa Larangan Ng Pag-awit

Hinakot ng mga mang-aawit ng San Antonio de Padua College (SAPC) ang mga parangal sa naganap na patimpalak sa pag-awit na ginanap sa harapan ng munisipyo ng Pila, Laguna, ika-28 ng Hulyo.

Nakuha nina Radnel Ofalsa ng III-Industrious ang unang karangalan, Angelyne Enriquez ng III-Courageous ang ikalalawang karangalan at ng Associate in Hotel and Restaurant Management (HRM).

Inani naman ni Amielyn S. Carillo ang ikatlong karangalan sa kategoryang pambata.

Ang naturang patimpalak ay nilahukan ng 13 mang-aawit na amatyur at 3 mag-aaral sa elementarya na mula sa iba’t ibang barangay ng Pila. Ang patimpalak ay kaugnay sa pagdiriwang ng ika-435 na anibersaryo ng Araw ng Pila na may temang: “Kasay-saya: Paggunita sa Nakaraan, Paglinang ng Kinabukasan”. Ito ay ginanap noong gabi ng himig at galaw.

This entry was posted in Ang Pinagpala (Filipino), Events and tagged , , . Bookmark the permalink.