K+12: Isang Paglilinaw

Ang “Enhanced Kindergarten to Grade 12” o mas popular sa katawagan na “K+12” ay ang pinaka-bago sa mga panukala sa sistema ng edukasyon sa Pilipinas. Ayon sa mga tagapag-sulong nito, Pilipinas na lamang ang natatanging bansa sa Silangang Asya na mayroong 10-taon na programa sa edukasyon at nahuhuli na tayo sa mga kalapit bansa natin. Kung kaya’t isinulong ngayon ang mga konsultasyon para amiyendahan ang Batas Pambansa 232 o Education Act of 1982 na nagsasabi na sampung taon ang programa ng edukasyon sa bansa upang mabigyang daan ang K+12 program. Subalit anu nga ba ang K+12? Paano nga ba ito maipapatupad at makatutulong sa ating mga karaniwang Pilipino?

Schematic Presentation of the K-6-4-2 Model Implementation

Schematic Presentation of the K-6-4-2 Model Implementation

Ayon kay Department of Education Secretary Bro. Armin Luistro, sa isang panayam sa kanya noong Oktubre 5, 2010 na nakapost sa GMA News TV, kasama sa plano ang pagkakaron ng mga konsultasyon ngayong taong ito upang maipatupad ang programa sa 2013. Ang panukalang modelo sa DepEd ay 1 taon sa Kindergarten, 6 taon sa Elementary, 4 taon sa Junior High School, at 2 taon sa Senior High School. “We will make High School graduates employable, so that a tertiary education is not a necessity to get a job,” wika niya. “We will consult with the business sector to make sure the curriculum is acceptable to the business community,” bilang pagdaragdag.

Tiniyak naman ng kalihim na hindi ipapalit ang dagdag na 2 taon sa kurso sa kolehiyo. Sa halip, naniniwala siya na mas madaragdagan ang makakatapos ng kurso sa kolehiyo dahil maaaring magtrabaho ang mga studyante habang nag-aaral.

Mangangailangan ang kawanihan ng 6-bilyong piso na pondo upang lubusang maipatupad ang programa sa taong 2016-2017 subalit tiniyak niya na may sapat pang panahon na gugugulin para dito. “It’s not a matter of lack of budget. It’s a matter of prioritizing education in the national budget,” pagtatapos ng kalihim.

This entry was posted in Ang Pinagpala (Filipino) and tagged , , , , , , . Bookmark the permalink.

3 Responses to K+12: Isang Paglilinaw

  1. kent says:

    Mr. can i use po ito as one of my reference sa may term paper po namin?

  2. kent says:

    Mr. can i use it, as one of my reference sa may term paper po namin?

  3. rodnie says:

    ako den po pde pong maging reference ito pra sa term paper nmen??

Comments are closed.