Limang Guro Ng SAPC Ipinadala Sa Taunang INSET

Ni Chelsea M. Macanim

Limang guro ng San Antonio de Padua College (SAPC) sa katauhan nina Gng. Gina F. Lozanta, Araling Panlipunan; Bb. Veronica R. Banay, Filipino; Bb. Marlene C. Montaña, Mathematics; G. John Paul B. Enriquez, Biology; at G. Rinielle C. Montaña, English ang ipinadala sa Lyceum of the Philippines Calamba City upang makilahok sa pangtaunang In-Service Training (INSET) noong ika-2 hanggang ika-4 ng Mayo.

Tinalakay sa INSET 2011 ang pagiimplementa ng bagong kurikulum, ang Secondary Education Curriculum (SEC) 2010 sa pamamagitan ng Understanding by Design (UbD) partikular sa mga mag-aaral sa ikalawang taon.

Ang INSET ay binuo ng mga pagpapaliwanag sa bawat bahagi ng Learning Plan (dating Lesson Plan) at ang paraan ng pagbuo ng mga ito. Ang unang araw ay nagbigay tuon sa pinagmulan ng bagong kurikulum at ang mga bagong pamantayan sa pagtuturo mula sa Kagawaran ng Edukasyon gayundin ang unang bahagi ng LP, ang Desired Results.

Nang ikalawang araw ay ang pagbuo ng iba’t ibang assessment tools kasama na ang rubric at ang huling bahagi na kinapapalooban ng listahan ng mga gawain sa loob ng buong kwarter.

Nairaos ang tatlong araw matapos ang pagbabahagi ng bawat grupo ng kani-kanilang output na nagpakita ng kanilang kahandaan sa paggamit ng bagong paraan ng pagtuturo.

Ang INSET 2011 ay sa pangunguna ng Funds Assistance to Private Education (FAPE) Region IV-A. Kasunod ng hakbanging ito ay ang pagbisita ng mga kinatawan ng FAPE sa iba’t ibang pribadong paaralan sa buong rehiyon.

This entry was posted in Ang Pinagpala (Filipino), Events and tagged , , , , , , , , . Bookmark the permalink.