
Si G. John Paul Enriquez, bagong guro sa Biology habang inaalalayan ng mga ibang guro sa pagliban sa gulong (re-birth activity). Kuha ni G. Rinielle C. Montaña.
Bilang paghahanda sa pagbubukas ng taong panuruan 2011-2012, dumaan ang Faculty Members ng San Antonio de Padua College sa dalawang araw ng pagsasanay at pagsubok noong Mayo 12-13.
Ang nasabing pagsasanay ay pinangunahan ng mamamahayag at tagapag-sanay na si G. Joselito Cinco at nilahukan ng 32 guro ng SAPC kasama na ang mga Department Heads na sina Prof. Ma. Mimie M. Castillo, College; Prof. Alicia P. Male, High School; Ms. Amorfina B. Suyosa, Elementary; at Prof. Elisa T. Martinez, Executive Vice President.
Layunin ng pagsasanay na paigtingin ang samahan ng mga guro ng SAPC sa ikakatupad ng misyon at pangitain nito. Ang iba’t ibang gawain sa loob ng dalawang araw ay pinaniniwalaang din na higit na maghahanda sa mga guro sa pagtuturo nila ng pagpapahalaga sa bawat asignatura na kanilang itinuturo. Inaasahan na ang pagsasanay na ito ay magpapatuloy sa loob ng bawat silid-aralan.
Ang sintesis ng pagsanay ay matagumpay na isinagawa sa pamamagitan ng pagbabahagi ng mga guro ng kanilang mga natutunan sa loob ng dalawang araw.
Dear EJ,
Just trying how this works, hope to meet you with our staff. Congrats, good job!
Elisa
Thank you ma’am! We still have a lot of areas to finish up with and polish here, but I am happy that you like it so far. 🙂
A lot of alumni are responding, hoping we can update our alumni page soon. I am asking Grace and RV to rush the page. Can we ask Rinielle to post pictures of every activity? We had a lot already.