SAPC Faculty Sumuporta Sa Unang “Pailah”

SAPC Faculty Sumuporta Sa Unang Pailah Festival ng Pila Laguna

Ang mga guro ng San Antonio de Padua College sa pangunguna nina Prof. Alicia P. Male ng Sekundarya (kanan) at Ms. Amorfina B. Suyosa ng Elementarya (kaliwa) na kasalukuyang nakikilahok sa Street Dancing Parade. Kuha ni Aphrodite Soriano.

Ni Abygail Donguines

Hindi nagpahuli ang San Antonio de Padua College sa pagdiriwang ng kauna-unahang PAILAH Festival ng Pila, Laguna noong ika-24 hanggang ika-27 ng Abril.

Ang Drum and Lyre Corps sa pangunguna ni Gng. Miriam C. Patag ay nakilahok sa pagpapakitang gilas sa ginanap noong unang araw.

Samantala ang Likhang Sining at Galaw (LIKSILAW) naman sa pangunguna ni G. Rico Rosales ay siyang namuno sa pagbuo ng kauna-unahang Pila Dance Ensemble na natughayan ng buong bayan noong ikalawang araw.

Buong-buo din ang suporta ng mga guro na dumalo sa Misang Pasasalamat at sumama sa Street Dancing Parade noong ikatlong araw.

Kalahok naman sa Lakan ng Pila ang fresh hight school graduate ng SAPC na si G. Martin Abad na tinanghal na Lakan ng Pila 1st Runner-up.

This entry was posted in Ang Pinagpala (Filipino), Events and tagged , , , , , , . Bookmark the permalink.