Solid Waste Management Symposium Isinagawa

Ni Lindvie O. Masongsong

“Kalikasan: Arugain, Mahalin, at Pagyamanin” ang paksang inilabas ng Kagawaran ng Kapaligiran at Likas na Yaman para sa taunang exhibit nito na isinagawa sa San Antonio de Padua College noong Agosto 16-19. Ito din ang tema ng symposium sa solid waste management na isinagawa sa ikalawang araw ng exhibit.

Solid Waste Management Symposium Isinagawa

Ang nasabing symposium ay dinaluhan ng mga mag-aaral na nasa ika-apat na taon at ng ilang piling mag-aaral sa kolehiyo. Ang mga mag-aaral ay nagpakita ng kasabikan sa mga bagong kaalaman na kanilang napulot mula sa symposium.

Sa pangunguna ni Bb. Severina Verna P. Oandasan, kinatawan mula sa kagawaran at nina Prof. Ma. Mimie M. Castillo, College Dean at Mr. Erwin de Macale, College Instructor ay itinuro sa mga mag-aaral ang kahalagahan at mga paraan ng solid waste management. Si Bb. Oandasan ay bihasa sa solid waste management. Siya ay nagtapos ng BS Forestry mula sa Southern Luzon Polytechnic College, sa kasalukuyan ay Southern Luzon State University, at nagkamit ng sertipiko sa environmental studies mula sa Miriam College. Siya ay nagtrabaho sa kagawaran bilang Provincial Environment and Natural Resources Officer (PENRO) ng lalawigan ng Laguna at kasalukuyang Environmental Management Board Member sa parehong lalawigan.

Ang pagsasagawa ng nasabing symposium ay pinaniniwalaang makapag-papayabong sa pagpapahalaga at kamalayan ng mga mag-aaral ukol sa kapaligiran at sa mga hamong kinakaharap nito sa ngayon. Naniniwala ang pamunuan ng paaralan na masusundan pa ang ganitong uri ng gawain para sa lalong ikakatupad ng mithiin.

This entry was posted in Ang Pinagpala (Filipino), Events and tagged , . Bookmark the permalink.